Thursday, September 24, 2026

Isla this September 25, VMX Tapes Vol.2 this Oct 2



Isa pang bago sa VMX ngayong September ay ang Isla.

 

Sa isang isla na malayo sa lahat, mangangarap ang isang dalaga ng pagbabago, kahit paulit-ulit siyang lolokohin at sasaktan ng mundo.

 

Mula sa direksyon ni Rodante Pajemna Jr., panoorin sina CJ Torcido, Margaret Diaz, Yda Manzano, Mayumi De Vera, Mark Anthony Fernandez, Mark Dionisio, at John Mark Marcia. Mahumaling sa ganda ng “Isla” - streaming na sa VMX ngayong September 25, 2026.

 

Kuwento ito ni Isla, isang maganda at nakakabighaning dalaga. Nakatira siya sa isang isla kasama ang kanyang ina na si Celia at ang kinakasama nitong si Anton.

 

Matagal nang may pagdududa si Isla sa kanyang ama-amahan at nararamdaman niyang may lihim itong pagnanasa sa kanya. Ngunit hindi siya pakikinggan ng kanyang ina, pati na ng kanyang nobyong si Miguel.

 

Sa isang banda, gusto rin ni Miguel na makuha ang pagkababae ni Isla, at mapapayag niya ang dalaga sa pangakong isasama niya ito sa Maynila – isang bagay na matagal nang pinapangarap ni Isla.

 

Pero bago pa man makarating sa Maynila, sunod-sunod na problema, pagtataksil, at karahasan ang mararanasan niya mula mismo sa mga taong pinakamalapit sa kanya.

 

Kalabisan nga ba para kay Isla na hilinging makalaya at makalayo sa tanging lugar na kanyang nakilala sa buong buhay niya? Matutupad pa kaya ang pangarap niyang makatungtong sa Maynila at tuluyang kalimutan ang kanilang isla?

 

Samahan si Isla na kilalanin ang sarili at hanapin ang kanyang kalayaan. Isla, streaming ngayong September 25, 2026, sa VMX.

 

Malalantad at kakalat nang muli ang VMX TAPES VOL. 2!Isang special feature mula sa direksyon ni Ray Gibraltar at hosted by Shannon Sizon, ang VMX TAPES VOL. 2 ay mga kontrobersyal na tapes mula sa iba't ibang tao, mula sa iba't ibang lugar.

 

Ipapakita rito ang mga maaaring maisiwalat sa mundo dahil sa kawalan ng digital privacy, pati na rin ang pangambang dulot ng pagkalat ng pribadong footage.

 

Sa pamamagitan ng CCTV control rooms, hidden cameras, at blind spots, ipapakita ni Shannon ang iba't ibang scenario ng VMX TAPES.

 

Mayroong Hidden & Broken Promises, kung saan ipapakita ang mga secret recordings ng ilang mga couple, mayroong The Masseuse Saga - isang three-part series na ipapakita ang kontrobersiyang nagaganap sa pagitan ng mga masahista at kanilang mga kliyente, at ang The Virginity Tape, isang video na dapat ay pribado ngunit nauwi sa pagkalat online.

 

Mayroon pang The Grand Finale, kung saan ang host na si Shannon ay may one-shot scandal video kasama ang kaniyang partner.

 

Mapusok, matindi, at puno ng scandal – VMX TAPES VOL. 2,ngayong October 2 na sa VMX!

 

Para mag-stream, punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

No comments:

Post a Comment