Namataan ang veteran actress na si Teresa Loyzaga sa showroom ng Maddox Jewelry sa Marikina, na pagmamay-ari ng businesswoman at jewelry entrepreneur na si Ms. Charo Cordial. Isa na namang celebrity ang humanga sa mga eleganteng alahas ng brand.
Pero may pa-reklamo muna si Teresa!
Matagal na raw kasi siyang sumusubaybay sa online selling at live streams ng Maddox Jewelry, at madalas pa nga raw siyang nagmi-mine ng items mula sa mga jewelry pieces na binebenta ni Ms. Charo.
Ang problema?
Hindi raw siya napapansin!
Kaya naman, naisip ni Teresa na diretsuhin na mismo ang showroom ng Maddox Jewelry sa Marikina para siguradong mapansin na siya.
At mukhang worth it naman ang kanyang pagpunta.
Pagdating niya sa showroom, si Ms. Charo Cordial mismo ang nag-assist sa kanya, kaya naman hindi nagtagal ay nakapili si Teresa ng ilang jewelry pieces na agad niyang nagustuhan.
Bago umalis, bumili pa siya ng isang pares ng earrings para sa kanyang apo, anak ng kanyang anak na si Diego Loyzaga.
Ayon kay Teresa, nasa stage na siya ng buhay kung saan puwede na rin siyang mag-invest sa jewelry, lalo na’t malalaki na ang kanyang mga anak.
Hindi rin naiwasan ang isang open at honest na chikahan sa pagitan nina Teresa at Ms. Charo, kung saan ibinahagi ng aktres ang ilang detalye tungkol sa rehabilitation journey ng kanyang anak na si Diego—kung saan ito naganap, gaano ito katagal, at kung bakit kinailangan itong pagdaanan.
Ang buong interview ni Teresa Loyzaga ay mapapanood sa YouTube channel ng Maddox Jewelry at sa official Facebook page ng brand, na patuloy na sinusubaybayan ng milyun-milyong followers online.



.jpeg)


