Ganap na ngang recording artist ang social media sensation na si Madam Inutz o Daisy Lopez. Ito’y via her debut single na pinamagatang ‘Inutil’.
Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman, at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay. Mistula itong anghel na gumabay kay Madam Inutz para maisakatuparan ito.
Aminado si Madam Inutz na mula sa kanyang pag-uukay-ukay, sa tulong ni Wilbert ay naging ganap na siyang recording artist.
Nagpahayag ng pagkabilib si Wilbert o Kuya Wil sa talent ng kanyang alaga.
Aniya, “Meron siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga Novelty, Rap, Hiphop, Rock, lalong-lalo ang mga Tunog Kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nila Sampaguita, Aegis, o Up Dharma Down.
“Mabilis niyang natutunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inabot ng madaling araw sa pag-shoot ng music video.”
Paano niya idi-describe ang kanta? “Ang kanta na ito ay introduction ng buhay niya bilang isang Madam Inutz. Kung sino ba siya at paano siya nagsimula,” sambit ni Sir Wil.
Bakit iyan ang naisipan niyang maging single? “Kasi pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses .Higit sa lahat, pangmasa. Madali rin itong sayawin, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song.”
Saang music streaming apps at platforms mapapakinggan ang kantang Inutil? “Sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.,” lahad pa ni Wilbert.
Ano ang preparasyon ni madam Inutz sa pagre-record ng kanyang debut single na ang lyrics ay ayon mismo sa kanyang buhay at pagkatao.?
Tugon ni Madam Inutz, “Pinag-aralan ko muna ang tema ng lyrics. Sinuri kong mabuti bawat linya, kung sa tingin ko’y aangkop sa aking pagkatao. Tapos, pinakinggan ko ang melody sa demo nang paulit-ulit. Hanggang sa makabisado ko.
“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy.
“Hindi naman ako nahirapan sa kanta dahil sa umpisa pa lang, naisaulo ko na ito.Umabot lang kami ng mahigit dalawang oras sa recording,” nakangiting wika pa niya.
Ano ang magsasabi niya kay Sir Wilbert na binigyan siya ng bagong career bilang singer ? “Laking pasasalamat ko sa pagkakataong ibinigay sa akin na magkaroon ng debut single sa edad kong ito, hahahaha! Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng Tadhana. Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” masayang wika pa ni Madam Inutz.
Ayon sa composer nitong si Ryan Soto, tiniyak muna niya kung anong genre ang babagay sa boses ni Madam Inutz at anong wika and since nakilala ito sa kanyang mga famous catchphrases sa kanyang pago-online selling tulad ng salitang INUTIL, GUNGGONG, OH JIIIEVA at marami pang iba.Naisip ni Ryan na gamitin ang salitang INUTIL para ito ang maging introduction song ni Madam Inutz bilang pagpapakilala sa sarili as a recording artist.
Doon umikot ang iba pang lyrics hango sa kanyang naging buhay sa pago-online selling, nakaranas siya ng mga pagsubok sa pagtitinda na halos walang bumibili sa kanya, kung di magtambay lang sa live niya para manood. May mga part din ng song na binabanggit ang perception sa kanyang pagkato at karakter. Marami sa mga kahulugan sa lyrics ay tungkol sa kanya, lalo na sa part na binanggit ang mga lugar ng pinanggalingan niya like Tondo at Amadeo, Cavite.
Aminado rin si Madam Inutz na hindi sumagi sa isip niya na magiging recording artist .
“No, hindi! Sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ko na sisikat sa pagmumura online. Kasi ang alam ko lang, magtinda ng ukay-ukay online para lang may pambayad sa upa at panggamot sa nanay ko na na-stroke at five years nang bedridden. Pero may dumating na anghel sa buhay ko at binigyan ako ng opportunity na maging singer at recortding artist. Siyempre, hindi ko tatanggihan ang grasyang ito.”
Ano pa ang mga plano at projects ni Sir Wil kay Madam Inutz?
“Dahil masunurin si Madam Inutz at hindi naging pasaway, nakikinig siya sa mga advices at instructions para sa ikabubuti ng lahat, sa loob man o labas ng showbiz… gusto kong maging Brand Ambassador ng mga online sellers si Daisy Lopez AKA Madam Inutz. Gusto ko siyang maging negosyante at turuan ng entrepreneurship para umusbong ang kanyang online business. Bukod sa pagiging recording artist, siyempre gusto ko rin na siya’y maging expose sa showbiz at ma-experience ang pag-aartista. Higit sa lahat, maging successful si Madam Inutz at sikat na vlogger!”
Para sa Inquiries & Product endorsement - tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM
Ok lang mas best nman sknya kung tanggalin nya laht ng offer ni kuya will mas marami ang natutuwa Isa na ako don Isa cia halimbawa sa Panahon ngayon na Libya lahat at may pamilya ciang binibigay sa marangal na trabho.good job madam Inutz. Isa sa mga dapat ipagmalaki at kahangaan sa talento mo at marami Kang napapasayang tao good luck ang god bless madam
ReplyDeleteSana nagkita din tyo or sarap mong kajomming tlaga..love it..
Tanggalin po not tanggalin? Mali lng ng pindot
DeleteTanggapin po
DeleteSlots Casino (2021) - Dr. Dr.MD
ReplyDeleteThis is 전주 출장샵 your 제주 출장마사지 chance to try the best slots online. You can play your favorite game from anywhere in the 경주 출장샵 world, or 통영 출장샵 just start 안동 출장샵 playing with your friends. Dr.Mcd