Isang gabi ng kinang, fashion, at showbiz ang matagumpay na hatid ng Maddox Jewelry Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 na ginanap noong Hulyo 30 sa EDSA Shangri-La Manila. Pinangunahan ito ng Founder, President, at CEO ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial, habang ang buong fashion spectacle ay idinirehe ng fashion director na si Robbie Carmona.
Naging matagumpay ang engrandeng selebrasyon ng ika-limang anibersaryo ng Maddox Jewelry kung saan 41 celebrities ang rumampa sa apat na thematic runway segments—Icons of Forms and Radiance, Icons of Brilliance and Elegance, Icons of Timelessness, at Icons of Legacy—na tampok ang signature natural diamond collections ng brand.
Nagbigay-ningning sa runway ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa entertainment industry kabilang sina Optimum Star Claudine Barretto, Ara Mina, Pokwang, Beauty Gonzalez, Katrina Halili, Diana Zubiri, Geneva Cruz, Kris Bernal, AJ Raval, Aljur Abrenica, Diego Loyzaga, Jeric Raval, Roderick Paulate, Carmi Martin, Amy Austria, Jackielou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, James Blanco, Nadine Samonte, Regine Tolentino, Maureen Larrazabal, Aubrey Miles, Troy Montero, at marami pang iba na pawang supporters at loyal clients ng Maddox Jewelry.
Isa sa mga naging tampok ng gabi ang pagrampa ng celebrity couples na sina AJ Raval at Aljur Abrenica at Aubrey Miles at Troy Montero, habang humanga rin ang audience sa fierce runway walk ni Ryza Cenon, sa espesyal na natural diamond necklace na idinisenyo mismo ni Beauty Gonzalez, at sa eleganteng finale walk ng Optimum Star Claudine Barretto, na umani ng malakas na palakpakan mula sa mga dumalo.
Ngunit higit pa sa kinang ng mga diyamante at presensya ng mga sikat na personalidad ang ipinagdiwang sa gabing iyon. Sa kanyang mensahe, binalikan ni Charo Cordial ang kanyang paglalakbay—mula sa pagiging anak ng isang magsasaka sa Bicol na nangarap lamang makapagtapos ng pag-aaral at maging engineer, hanggang sa pagtatatag ng Maddox Jewelry, na ngayon ay isa na sa mga pinagkakatiwalaang natural diamond jewelry brands ng maraming celebrities at customers sa buong bansa.
Ibinahagi rin niya na nagsimula lamang ang Maddox Jewelry sa simpleng live selling noong panahon ng pandemya. Mula sa pagbebenta ng bags at gold jewelry, unti-unti itong lumago hanggang sa maging kilala sa natural diamond jewelry market. Sa kabila ng tagumpay, nananatili siyang nakaugat sa kanyang pinagmulan at patuloy na nagbibigay ng tulong sa kanilang komunidad sa Bicol, kabilang ang pagpapagawa ng pathway sa kanyang dating pampublikong paaralan upang mas mapadali ang pagpasok ng mga estudyante tuwing tag-ulan.
Para kay Charo, ang Maddox Jewelry Iconic Runway 2026 ay higit pa sa isang fashion show. Isa itong pagdiriwang ng limang taon ng sipag, tiyaga, at mga pangarap na natupad, gayundin ng pasasalamat sa mga artistang, business partners, loyal clients, at supporters na naging bahagi ng paglago ng Maddox Jewelry.
Sa tagumpay ng Maddox Jewelry Iconic Runway 2026, muling pinatunayan ni Charo Cordial na ang Maddox Jewelry ay hindi lamang tungkol sa natural diamond jewelry. Isa rin itong simbolo ng inspirasyon, dedikasyon, at paniniwalang ang bawat pangarap ay maaaring matupad sa pamamagitan ng tiyaga at determinasyon.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.





No comments:
Post a Comment