Hindi na nga maikakaila—kung dati, ang President at CEO ng Maddox na si Ms. Charo Cordial ang humahanga at nanonood sa mga artista, ngayon ay baliktad na ang eksena: ang mga artista na mismo ang tutok sa kanyang online selling sa Facebook, YouTube vlog at Tiktok!
Pero teka, mas lalong uminit ang usapan sa latest vlog ng Maddox Jewelry.
Bigla na lang kasing napadpad sa Maddox showroom sa Marikina ang anak ni Katrina Halili na si Katie—kasama ang kanyang yaya! Lalong ikinagulat ni Ms. Charo nang mabuking na walang kaalam-alam si Katrina sa pagpunta ng anak niya roon!
Ang akala, simpleng accessories lang para sa school… pero ang hirit ni bagets? DIAMONDS! Aba, bongga!
Dahil dito, napilitan tuloy na sumugod si Katrina sa showroom. Dito na nga nagkaroon ng mas nakakagulat na rebelasyon, napaamin si Katrina na “wala siyang trabaho”! Pero agad din naman niyang nilinaw: "Hindi ako palaging may taping. Dati, three to five times a week, wala ako sa bahay. Pero thankful naman ako kasi mas may oras ako sa anak ko. Mas nag-open ang social media.”
Dahil sa pagko-content nila, dagsa na rin ang brands! At sa nakakatuwang biro ni Katrina:
"Si Katie na po ang bumubuhay sa akin!”
Aliw rin ang eksena nang mapag-
usapan ang love life! May binulong si Katrina kung sino ang nagpapasaya sa kanya ngayon, but wait, pabirong nabanggit ni Ms. Charo ang ex nitong si Kris Lawrence!
Agad itong itinanggi ni Katrina at sinabing iba ang kanyang sinabi! Ano kaya ang totoong pangalan?
Napag-usapan din sa vlog ang kanyang journey mula StarStruck hanggang sa kasalukuyan, ang pagiging Ausome Mom sa kanyang anak at iba pa, bago tuluyang bilhin ang napupusuang necklace ni Katie.
Sa kabilang banda, dahil sa kasikatan ng Maddox, naglipana na rin ang fake accounts online! Paalala: maging mapanuri—ang official Facebook page lang ay D Maddox Jewelry.
At eto pa ang good news: may Maddox Showroom Sale ngayong May 7, 9, at 10


No comments:
Post a Comment