Monday, February 5, 2024

Gillian Vicencio pasabog na sinisimulan ang 2024




WHEN YOU FEEL LIKE STOPPING THINK ABOUT WHY YOU STARTED


Nagsimula sa mga commercials, VTR’s and Auditions kaya nagbunga ang mga pangarap ni Gillian Vicencio ng siya ay mapabilang sa pelikulang “EERIE” na pinagbibidahan ni Bea Alonzo at Mam Charo Santos-Concio. Siya ay gumanap bilang si Erika Sayco, ang batang nagmumulto sa eskwelehan. Kwento ni Gillian na “Noong time na ginagawa po ito talagang hindi ako isinasama sa mga promo’s, guestings at kung ano ano pa para daw hindi mawalay yung element of takot sa pelikula at kaya BAGUHANG ARTISTA din ang kinuha para sa nasabing role ” Mula dito ay nagsunod sunod na nga ang pag pasok ng mga projects at hindi na mapigilan ang pagbulusok ng kaniyang pangalan dahil din sa angking galling na ipinamalas niya rito. 

Makasama mo ba naman agad sa unang project ang MOVIE QUEEN na si Bea Alonzo at ABS-CBN Executive na si Mam Charo Santos-Concio na isa ring MAHUSAY na ARTISTA.

Agad din naman itong nasundan ng isa pang horror film na " Hellcome home " kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.





Kabilang din si Gillian Vicencio sa STARMAGIC Batch 2019 na-inilunsad kasabay sina Belle Mariano, Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara at Kyle Echarri. Kalaunan ay pinasok din siya bilang isa sa mga artistang aalagaan din ng RISE ARTISTS STUDIO sa pangangalaga ni Mico Del Rosario under STAR CREATIVES kung saan winelcome siya kasabay ng iba pang artista sa isang CONTRACT SIGNING na dinaluhan din ng mga BIG BOSSES ng ABS-CBN.

Noong taong 2020 tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa mga pagsubok na dumating sa kumpanya, Nandiyan ang PANDEMIC at ang malaking dagok sa Kapamilya Network na hindi pagkakaroon muli ng PRANKISA, Kwento ni Gillian “Siyempre po natakot ako, kasi kakapirma lang namin ng kontrata tapos ganun yung nangyari. Binigyan naman kami ng assurance ng management na hindi nila kami pababayaan. 

Nandiyan yung mga digital shows naming everyday kung saan nahasa din kami sa hosting at naipapakilala ang aming mga sarili pati na din sa ibang mga artista na aming nakakapanyam sa programa na WE RISE TOGETHER LIVE”. Dagdag pa nito “Tuloy tuloy din nung time na yun ang mga WORKSHOPS Online para hindi kami matengga at mangalawang. Actually kung iisipin nga, anlaking tulong para sa mga ginagawa namin ngayon kasi parang equipped kami sa mga present project na meron ngayon kaya VERY THANKFUL ako/kami” Pagtatapos niya.

BIGGEST BREAK niyang maituturing ang FOUR SISTERS BEFORE THE WEDDING kung saan nakasama niya sin Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Belle Mariano. Siya ay gumanap bilangsi Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin. Marami ang nakapansin sa kanyang portrayal dahil ika ng ng iba ay para talaga siyang BATANG version ni ANGEL. Sa kabila ng pandemya ay itinuloy pa rin ang screening ng nasabing pre-quel ng pelikula at ipinalabas ito via ONLINE CINEMA. Dito ay mas madami ang nakapansin na very versatile at may husay siya sa larangan ng pag arte.

Nagsunod sunod ang kaniyang projects na inabangan at sinubaybayan din ng mga fans, Ipinalabas ang KARGO na nanguna noong January 6, 2023 sa NETFLIX kung saan napanuod naman na nakipag sabayan din siya kahit baguhan sa veteran actress na si Rio Locsin, Thriller/Drama ang tema ng nasabing PELIKULA. At nasundan din ng another digital series and movie noong kasagsagan ng BL theme sa industriya ay napabilang din siya sa HELLO STRANGER at gumanap naman bilang Girlfriend ng character ni Tony Labrusca na isa sa mga  lead ng nasabing series at pelikula.





Mas MINAHAL at mas NAKILALA si Gillian Vicencio sa SERYE na 2good to be true kung saan gumanap naman siyang Boyish friend as Tox with Matt Evans, and Yves Flores na mgamalalapit na kaibigan ng character ni Daniel Padilla as eloy. Dito mas nabigyang pansin siya dahil sa kakaibang pag ganap at lalo pat minahal ng mga manunoud dahil nakitaan ng kilig ang tambalan nila ni Yves Flores na si RED at nabuo ang RETOX. Matapos ang serye ay nasundan ang proyekto nilang dalawa na Retox 2be continued na inabangan din ng mga tagahanga nila. Say ni Gillian “ thankful siya dahil unexpected lamang daw ang chemistry na nakita ng tao at maging ang production, nagulat sa kanila ni Yves, sila mismo ay natuwa ng masundan ito na ang kwento naman nila ang ipinakita sa mga viewers.” Naging malapit din ang dalawa dahil nadin sa nagkakasundo sila sa maraming bagay.

Parte ng pagiging artista ay ang mga judgment at mga kabi-kabilang batikos. Halos lahat naman ng artista ay hindi pinalampas pag dating sa intriga. Lahat ay dumaan sa INTRIGA AT KONTROBERSIYA pero ika ng nila sa mundong ating ginagalawan POSTIVE or NEGATIVE PUBLICITY it is STILL PUBLICITY.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na naging very challenging din ang pagtatapos ng 2023 para sa actress na si Gillian Vicencio, kwento niya “ nagulat siya sa mga nangyari pero mas pinili niya nalang na ipagpatuloy ang mga trabaho at mag-focus sa mga bagay na mas makakapanatili ng kaniyang peace of mind” sa kabila nito ay nanatili itong positive sa tulong na din ng kaniyang PAMILYA at mga MALALAPIT na KAIBIGAN in and out of SHOWBIZ.

Natutunan din ng actress na magsalita ka man o hindi ay may masasabi at masasabi parin ang mga tao. Mas mabuting ituon ang enerhiya sa positive na ganap sa kaniyang karera.





PRESENT time 2024

Pangalawang buwan pa nga lang ng taong 2024 at sobrang thankful and blessed na agad ang actress na si Gillian Vicencio dahil sa mga projects na kaniyang natatanggap mula pa noong unang buwan ng taon na ito, Nandiyan ang matagumpay niyang pag-ganap sa theater play na “KUMPRONTASYON” na nagkaroon ng theatrical run noong Enero 18,19,20 and 21 ngayong taon sa PETA THEATER.

Nagsimula siyang gumanap sa theatro noong 2023 at dahil sa maganda ang naging pag tanggap ng mga regular viewers at estudyante sa bawat pag tatanghal nila ay agad naman itong nasundan. Kasama dito sa 3 parts play ang mga batiking theater actors and maging ang nakasama nito sa serye na 2good to be true na si Romnick Sarmenta ay nasa nasabing play din, ito ay Directed by Melvin Lee at inaasahan na masusundan pa ito at hindi ito ang huli niyang pag bibida sa isang theater play.





Sumunod naman ay ang magandang Blessing sakanya ng siya ay pagkatiwalaan at I welcome na din bilang isa sa mga Beautederm Babies ng CEO and Founder ng isa sa pinaka sikat na brand pag dating sa pag papaganda ang BEAUTEDERM, Alam naman ng tao na halos mga A Listers at mga kilalang ARTISTA ang mga nasa roster of INFLUENCERS/ARTISTS/AMBASSADORS and ENDORSERS ang nasa puder ni Rhea Tan kaya very thankful ang actress na si Gillian Vicencio na mapabilang dito aniya “Sobrang masaya kasi first endorsement ko ito, nakakatuwa na kahit baguhan at hindi pa ako gaanong kakilala ay nasama at pinag katiwalaan ako ni Mommy Rhei kasi nga mga ALISTERS ang mga ARTISTA sa Beautederm” Inilabas na ang ilan sa mga photos sa page mismo ng Beautederm at masaya din ang Business Mogul na si Rhea Tan dahil aminado ito na mula sa pag-ganap niya bilang TOX sa serye na 2 good to be true at sa Four Sisters before the wedding ay napapanuod at gusto na niya itong mapabilang sa kaniyang malaking pamilya sa nasabing BRAND. Rinig pa namin ay tila ilalagay ng CEO sa BILLBOARD ang mga pictures na kinunan sa ginanap na campaign shoot kamakailan.

Kabilang din siya sa mga ipinakilala na makakasama sa newest filipino adaptation na Whats wrong with secretary kim na pagbibidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU. Madami na ang excited sa series na ito dahil isa din itong patok na KOREAN SERIES na tinangkilik ng mga manunuod lalo na ng mga supporters ng Korean Drama.

Muli silang magsasama sa nasabing series ni Yves Flores at nagsimula na rin silang mag taping at mag pictorial para sa series na ito.

Hindi dito sa mga TV Projects natatapos ang magagandang break na ibinibigay sakanya dahil may upcoming movie siya na SLASHER/MASSCRE Film na ang title ay TALAHIB. Ditomakakasama niya sina Kristoff Garcia at Joem Bascon na Directed by Alvin Yap and under ito sa FEAST Foundation.

Natapos na nilang gawin ang pelikulang ito at hinihintay na lamang ang release sa mga sinehan,. Balak din ng mga producers na sana ay masubmit ito sa mga international film fest dahil bukod sa mahuhusay ang mga artista ay talagang mabusisi din ang pagkakalikha ng pelikula.

Kwento ni Gillian “ natuwa siya noong sinabi na siya ay kinukuha para dito dahil ang director nila dito ay nag direct nadin ng culion at oro plus madalas napapabilang ang mga gawa niya sa ibat ibang mga award giving bodies tulad ng Carlos Palanca Award, Cairo International Film Festival at Chicago International Film Festival at maging sa Gawad Urian.” 


No comments:

Post a Comment