Saturday, December 17, 2022

Beautederm pararangalan na Best Beauty Products Company of the Year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022

 


Humahataw ang Beautederm kahit patapos na ang 2022.

Ngayong Dec. 17, 3 PM  ay nagbukas ang isa nilang store sa ground level  ng SM City Olongapo Central.

Nagbigay saya ang mga  Beautederm ambassadors na sina Enchong Dee, Jelai Andres, Buboy Villar, Dessa at Alynna Velasquez. Special guest din si Kris Lawrence

Kahit sa awards ay humakot pa rin ang Beautederm Corporation. Sa December 28 ay pararangalan ito ng Gawad Dangal Filipino Awards 2022 bilang Best Beauty Products Company of the Year.

Kilala kasi ang Beautederm na effective  at natural skincare products. Ganoon din sa mga  gamot na Beautederm Reiko, Kenzen na mabisang HealthBoosters,  Beautederm  Koreisu toothpaste, Etre Clair mouthwash at  ang Reverie line  ng Beautederm Home.




Ang CEO at President na si Rhea Anicohe-Tan ay gagawaran  din bilang Most Outstanding Woman  Entrepreneur of The Year Gawad Dangal Filipino Awards 2022.

Isa pang pasabog ng Beautederm ay malapit nang matapos ang malaking building ng kompanya na matatagpuan sa Angeles City. 

Kabilang sa ambassadors  at pamilya ng Beautederm  ay sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, Andrea Brillantes, Sam Milby, Marian Rivera, Dingdong Dantes, JC Santos at misis niyang si Shyleena, Carlo Aquino, Sanya Lopez, Ruru Madrid,  Zeinab Harake, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Boobay, Kakai Bautista, Korina Sanchez, Beauty Gonzales, Alma Concepion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jane Oineza, Bianca Umali, Luke Mejares, Jimwell Estevens, Sherilyn Reyes-Tan, Ryle Santiago, Rita Daniella, Jana Roxas, DJ Cha Cha, DJ Jhai Ho, Darla Sauler, Pauleen Mendoza, Anne Feo atbp.

Maliban sa mga local at regional brand ambassadors mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, kinakatawan ang Beautéderm ng mga public servants gaya ng singer-actor na si Alex Castro, na Vice Governor ng Bulacan; ng Kapamilya leading man na si Ejay Falcon na Vice Governor ng Oriental Mindoro; ng dating San City 2nd District Councilor na si Jannah Ejercito; ng mga Councilors ng Ikatlong Distrito ng Quezon City na sina Kate Coseteng at Wency Lagumbay; ni Attorney Kaye Revill; ni Councilor Janina Medina-Fariñas ng Vigan; ni Mayor Donya Tesoro ng San Manuel, Tarlac; at ng internationally-acclaimed dramatic actor na si Arjo Atayde na Congressman Unang Distrito ng Quezon City.


“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya,” deklara ni Ms. Rei.

Wala siyang tinatanggal sa mga pamilya niya sa Beautederm maliban lang kung ayaw na sa kanya at hindi ginagawa ang kanilang responsibilidad bilang endorser. 

Inaasahan na mas  tatangkilin at lalaki ang Beautederm Corporation sa 2023.

No comments:

Post a Comment