Tuesday, August 16, 2022

Diumanong " Kubrador " at " Taga Deposito " sa bagong administration

 


Meron nga daw diumano sa Marcos admin official na bigating kubrador at taga deposito? Sino kaya itong mataas na opisyal ng gobyerno ang may dalawang espesyal na tauhan na nagsisilbing diumano " kubrador " at " taga-deposito ". Ayon sa ating source, diumano ang kubrador ang siyang direktang nakikipag negosasyon upang kubrahin ang pera para sa kaniyang tinatawag na “Boss” na si Government official. Si Kubrador diumano ang siyang tumitiyak na ang pera na nakolekta ay maibigay sa tamang oras at ang isa pang tauhan ang siyang mag de-deposito bank account ng mataas na opisyal. Diumano nangyari ang negosasyon at palitan ng text messages sa buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon kung saan magkakahiwalay ang kausap tungkol sa multi-milyong kubrahan ng kanilang isusubi mula doon sa proyekto na dapat pakinabangan ng mga mahihirap. Narito diumano ang sample ng text message ni Kubrador “ Request for P100M para inclusive ang mga cabinets, tables and chairs” at “Sa Friday may check release na si (taga-SUBI) .. pls make sure nalagyan ng P100M ni Boss yung account nya Ty” laman ng isang text noong Hunyo 7, ilang linggo bago bumaba sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Talagang bigtime diumano si Government official dahil hindi simpleng tao ang kaniyang kubrador at taga-subi ng nakulimbat na pera, abay tandem ang isang mambabatas at isang negosyante. Ang kubrador ni Mr. official ay diumano may masamang imahe dahil sa kinasangkutan nito na eskandalo sa gobyerno kaya naman todo ang sipsip nito sa kasalukuyang administrasyon para makalusot sa mga kaso. Ayon sa ating source, diumano ang halagang kinokolekta ni Kubrador ay P100 milyon para lamang kay Government Official. Mukhang usong-uso ngayon ang P100 milyon sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang taga-SUBI naman ng koleksiyon ni Kubrador diumano ay dating nasangkot na rin sa isang gulo sa pagitan pamilyan ng mga pulitiko dito sa isang sikat na lungsod sa National Capital Region(NCR). Diumano si Kubrador din ay isang lady solon mula sa isang lalawigan at yung taga-deposito o taga-subi ay sanay sa Raket katulad ng kaniyang initial.

No comments:

Post a Comment