Monday, July 18, 2022

100 Million Man ng Malacañang, Sino nga ba talaga??





Pinaguusapan ngayon kung Sino nga ba talaga si “100 Million Man” ng Malacanang.

Alam nyo bang di-umano, may isang maimpluwensiyang opisyal ni President Marcos Jr. at nang administration nito ang napakaagang gumagawa ng kababalaghan.

Ito ay sa pamamagitan ng paglikom ng sandamukal na salapi, mula kampanya hanggang paglalako ng mga posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa isang impormante, si El Kupitan ay dikit sa Pangulo kaya naman kaniyang sinasamantala ang pagkakataong ito.

Ang nakamangha ay humihingi ito di-umano ng tumataginting na one hundred million pesos (P100M) sa ilang nais na makakuha na puwesto sa gobyerno na maituturong na “juicy position”—na ang Ibig sabihin ay ang mga posisyon sa gobyerno ba madaling mapagkakitaan.

Kung makakapagbigay ng P100 million pesos kay El Kupitan ay siya mismo ang mag aayos na papeles upang agad na maappoint Sa puwesto.

Ang malupet sa lahat, ayon sa ating impormante kahit sa panahon ng kampanya, ganito rin ang modus operandi ni El Kupitan, abay halos lahat ng transaksiyon sa mga negosyante na gustong magbigay ng donasyon iisa ang kwento sa presyuhan, animoy eksena sa Storage War series ang bidding.

Pati yung mga negosyanyete na maagang magpalakad ng papel kay PBBM dahil lamang sa survey, abay iisa ang kwento at parang template ang numero ibinibigay ni El Kupitan- itoy nagsisimula sa P100M at kapag sinuwerte lalo pat galante ang kausap , mas malaki pa ang hatag.

Hindi lang yan, meron pa di-umano na isang negosyanteng na nagboluntaryo naman mag-donate ng P100M ang sobrang nagulat dahil bank account ni El Kupitan ang ibinigay sa kanya.

Hindi ngayon malaman ng negosyante kung nakarating ba ang kanyang donasyon o nagamit nakaraang kampanya dahil sa bank account ni El Kupitan pumasok ang P100M.

Maliban sa bansag na “Mr 100 Million Man” may bagong pangalan si El Kupitan sa umpukan ng mga “Marisol” at “Marites” sa pamahalaan bilang “Silidonyo”, as in “silid dito, silid doon” sa garapon.

Kaya naman nabubuwisit na mismo ang mga mas malalapit kay PBBM dahil maaring ito ay makasira sa imahe ng Pangulo at sa buong administrasyon lalo pa at usap-usapan kahit sa mga estero sa Palasyo ang modus ni El Kupitan.

No comments:

Post a Comment