Wednesday, July 21, 2021

Mataas Na Primetime Ratings Dala ng Pagsasanib ng TV5 at ABS-CBN

 




Sa mga nakalipas na buwan, maraming pagbabago na rin ang naranasan ng ating mamamayan pagdating sa kanilang mga programang napapanood sa telebisyon. Isa na rito ang pagsasama ng Cignal TV at ng ABS-CBN para sa paglalagay ng ilang programa ng inyong Kapamilya channel sa TV5 upang mapanood sa lahat ng bahagi ng Pilipinas.

Isa sa magandang naidudulot ng pagsasanib ng dalawang nasabing brodkaster ay madali nang masundan ng mga manonood ngayon ang No. 1 teleserye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano; at ilan pa nilang paboritong programa katulad ng Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag, at ang La Vida Lena.

Mula ng magsimula sa TV5 ang mga nasabing palabas ng ABS-CBN, tumaas ang pangkalahatang rating ng istasyon at malaking pagbabago ang naitala nito hindi lang sa Mega Manila kundi pati na rin sa ilang panig ng Timog Katagalugan. “Isang malaking pasasalamat ang hatid namin para sa Cignal TV at ABS-CBN, ani ni Media5 Chief Operating Officer, Dino M. Laurena.

“Alam nating ito ang gusto ng ating mga masugid na manonood kaya naman napakaganda ng naging resulta sa pagsasamasama ng mga programa ng dalawang kinikilalang brodkaster ng ating bansa; ang ABS-CBN at ang TV5," batid ni Dino M. Laurena.

No comments:

Post a Comment