Friday, May 10, 2019

Gusto niya HAPPY KA, Juan Ponce Enrile #25



Juan Ponce Enrile mula sa probinsya ng Cagayan at ang kanyang Ama ay Bulakeno at Nanay naman niya ay Ilocana. Isa din guerilliero si Enrile noong World War II. Naging Undersecretary of Finance at Chairman ng Philippine National Bank siya noon 1966. Nagsilbi din siya Secretary of Justice noong 1968 hanggang 1970. Naging senador siya mula 1987 hanggang 1992 at siya din ang naging lone minority of the Senate tapos naging Congressman sa first district ng probinsya ng Cagayan mula 1992 hanggang 1995. Naging senador muli ng taon 1995 hanggang  2001 kasabay ng pagiging chairman ng Ways and Means Committee at Government Corporations and Public Enterprises Committee.

Mga batas at naiambag ni Juan Ponce Enrile sa bansa:

> tinutukan niyang issue ay ang power sector upang hindi umabuso ang mga producers ng elektrisidad

> Kinilala niya ang karapatan ng mga producers ng elektrisidad na kumita sa kanilang mga negosyo. Subalit nais niya na masiguro na hindi pagsasamantalahan ang mga gumagamit ng elektrisidad.

> Kumontra din siya sa pag-pasa ng EPIRA ( Electric Power Industry Reform Act )

> Pinasimulan niya ang Anti-Trust Bill pero ito ay hindi natapos

> Gumawa siya ng Anti-Terrorism Bill

> Republic 9522 ( Baseline Law ) na nagtatalaga ng mga hangganan ng kapuluan ng bansa

> CARP Extension

> Anti Torture Act

> Expanded Senior Citizens Act

> Anti-Child Pornography Act

> National Heritag Conservation Act

> Real Estate Investment Act

No comments:

Post a Comment