Thursday, October 7, 2021

12th Star Awards For Music mapapanood na ngayong October 10

 



Nakahanda na ang The Philippine Movie Press Club, Inc. sa pagdiriwang ng 12th Star Awards for Music. Sa kauna-unahang pagkakataon ay virtual ang presentasyon nito na gaganapin ngayong October 10, Linggo, 6pm . Mapapanood ito sa STV at RAD channels. Sina Congressman Alfred Vargas at Sanya Lopez ang magsisilbing mga host. Ang mga performers ay sina Pop Diva Kuh Ledesma, Marion Aunor, Cool Cat Ash at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Gagawaran ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award si Ms. Kuh Ledesma. Ang magaling na composer na si Louie Ocampo ang recipient ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award. Ang 12th Star Awards for Music ay handog ng PMPC sa pangunguna ng Presidente nito na si Roldan Castro at ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Diño-Seguerra. Katuwang din sa naturang industry award ang Frontrow ni Raymond "RS" Francisco. Ito'y sa direksiyon ni Pete Mariano. Ipapalabas din ito ng alas-9 ng gabi sa iba't-ibang online platform gaya ng PMPC Facebook page, FDCP FB Page (Film Development Council of the Philippines) , Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media. Matitindi ang labanan at salpukan ng mga nominado sa iba't-ibang kategorya. Kasabay nito, magbibigay rin ng special awards ang PMPC sa mga taong nasa ibang larangan tulad sa negosyo, public service at entertainment.

No comments:

Post a Comment