Monday, August 16, 2021

Sir Wilbert Tolentino bagay na bagay as manager ni Madam Inutz

 


Wilbert Tolentino pinuntahan si Daisy Lopez sa kanyang bahay kasama si Hipon A.K.A Herlene Budol kung saan binigyan niya ng ayuda ang nanay nito na may sakit ng 100,000 pesos at hindi lang doon nagtatapos ang pa ayuda ni Sir Wil dahil binigyan niya din 100,000 pesos si Daisy para sa kanyang Ukay-Ukay Business na di umano'y walang nag " Mine " at puro pa shout out nalang ang mga nanonood sa kanyang live selling.




Umalis na din ang viral online seller na si Madam Inutz (Inutil) aka Daisy Lopez ang Star Image Management. Nag-live siya sa kanyang Facebook page na Daisy_licious Ukay para ianunsyo kung bakit umalis siya sa naturang talent management. Humingi siya ng payo sa kanyang mga kaibigan at pamilya para sa biglaang desisyon. Kumunsulta rin si Madam Inutz ng abogado para maintindihan niya ang nilalaman ng kontrata sa Star Image Management. 


Dumadaan siya ngayon sa legal na paraan para ma-release siya at ayon din kay Daisy Lopez ay “Unang-una pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso. pero tinanggap nila,". “Hndi naman actually kinuha pero tinanong muna nila ako,okey lang ba na kunin nila 'yung phone number ko para sila na 'yung sumagot ng lahat ng calls na natanggap niyo. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot ng mga tumatawag doon sa number ni Madam Inutz. Binigay ko ang cellphone ko sa kanila which is mali pala kasi personal number ko ‘yun," ayon din kay Daisy na tila naguguluhan sa situwasyon. 




Samantala, marami ang nagsasabi na magpahawak na lang si Madam Inutz sa Former Mr. Gay World titlist ,sikat na businessman, social media infuencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino. Tiyak na maalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Swak sila bilang manager at talent. “Hindi rin magkaka issue yan sa pera dahil kilala si Sir Wilbert bilang matulungin sa mga ngangailangan. Hindi nila pag-uusapan ang komisyon,” pahayag ng isang malapit kina Madam Inutz at Sir Wilbert




Panoorin din ang collab ng dalawa sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel kasama si Herlene Hipon ( https://www.youtube.com/watch?v=kIffF14KXLA&t=773s ). Sobrang pasasalamat naman ni Madam Inutz sa generosity ni Sir Wilbert.

No comments:

Post a Comment